EPEKTONG SIKOLOHIKAL NG STRESS SA MGA MAG-AARAL SA IKATLONG TAON NG PROGRAMANG BS MEDICAL TECHNOLOGY SA FEU-NRMF - QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2013 - 73 PAGES

ABSTRACT: Walang maaaring mabuhay nang hindi nakararanas ng ilang antas ng stress sa lhat ng oras (Selye, 1987). Ang stress sa kasalukuyan ay nararanasan ng lahat ng tao, hindi lamang ng mga nagtratrabaho kundi pati na rin ng mga estudyante. Ang nararanasang stress, kumplikado man o hindi, ay di maiiwasan dahil ito ay bahagi na ng buhay ng tao. Sa mga maliliit na bagay, ang stress ay may mabuti ring maidudulot. Matutulungan nito ang isang tao na umunlad at mas maging produktibo. Gayunpaman, ang labis na stress ay maaaring maging mapaminsala. Kung kaya`t ang bawat tao ay dapat na maging sensitibo kung paano ito tutugunan upang ang epekto nito ay maging kanais-nais sa kanyang bahagi. Maraming sanhi ng stress sa pag-aaral na dinaranas ng mga estudyante. Ilan sa mga maituturing na sanhi nito ay ang mga takdang-aralin, marka, pagsusulit, at pag-abot sa ekspektasyon ng magulang. Kapag ang mga sanhing ito ay naging mabigat at nagsimulang maapekktuhan ang mental na tungkulin ng isang tao, ito ay nagiging isang problema. Kaugnay nito, hindi dapat isipin ng isang tao na isa lamang uri ng stress na nararanasan ng lahat. Ang depinisyon ng stress ay mapapalawak ng tatlo nitong uri: ang Acute Stress, Episodic Acute Stress, at Chronic Stress. Ang bawat uri ay may kaniya-kaniyang epekto sa mental na kalusugan ng isang tao. Marami ring palatandaan na makikita kapag ang isang estudyante ay dumaranas ng stress. Ang ilan sa mga ito ay ang pagiging iritable, pagiging mainitin ang ulo, pagiging matamlay, pagiging makakalimutin, at wala sa pokus. Sa araw-araw na inilalagi ng mga estudyante sa paaralan ay maiiwasan na may mapapansing pagbabago sa kani-kanilang mga sarili. Dulot nga nito, karamihan sa mga estudyante ay nalalayo sa mga bagay na dati nitong ginagawa o sa mga taong palagi nitong nakakasama. May mga taong nahihirapan sa kanilang pakikitungo sa stress at may ibang tao naman na nakakayang harapin ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang iba`t ibang istratehiya. Ilan sa mga pamamaraang ito ay ang mga pinagkakaabalahan tulad ng mga bagay na kanilang kinagawiang gawin, pagsali sa gawaing pangkalakasan o sports, mga bisyo tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at paggamit ng bawal na gamot, at sobrang pagkain. Kadalasan, mas napapansin ng mga estudyante ang mga pisikal eoekto ng stress, ngunit nakakaligtaan nila na ang lahat ng uri ng stress ay maaaring magdulot ng sikolohikal na epekto sa kanilang kalusugan. Kung kaya`t binibigyang pansin sa pag-aaral na ito ang "Epektong Sikolohikal ng Stress sa mga mag-aaral sa Ikatlong taon Programang BS Medical Technology sa FEU-NRMF".



GENEDFIL20130007