EPEKTO NG STRESS SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL NG MEDICAL TECHNOLOGY SA IKALAWANG TAON SA FEU-NRMF - QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2014 - 38 PAGES

ABSTRACT: Lahat tayo ay sasang-ayon na ang paghahanda ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kahit anong aktibidad ng isang indibidwal. Kaya naman puspusan kung maghanda ang mga estudyante ng FEU-NRMF na nasa ikalawang antas sa kolehiyo na nakatakdang kumuha ng battery exam tuwing Abril at Oktubre upang mas tumaas ang tyansa nilang makapasa. Ang battery exam ay saklaw ang mga mahahalagang asignatura na kanilang napag-aralan sa nakalipas na dalawang taon sa kolehiyo kaya naman ang pag-aaral sa mga asignaturang kasama sa pagsusulit ay nangangailangan ng mahabang panahon at buong konsentrasyon. Malaki ang epekto ng magiging resulta ng pagsusulit na ito sa kanilang kinabukasan sapagkat isa ito sa magtatakda kung sila ay maaring makatungtong sa ikatlong taon ng kolehiyo sa FEU-NRMF. Bago pa man at sa mismong pagsusulit marahil sila ay nakararanas ng mga suliranin na nagiging dahilan ng pagbagsak sa nasabing pagsusulit gaya ng pressure sa sarili, ekspektasyon ng magulang, kakulangan sa oras at lack of memory. Kaya naman ang pag-aaral na ito ay makatutulong na sila ay maging handa sa pisikal, mental, emosyonal at espiritwal na aspeto ng kahandaan.



GENEDFIL20140010