TY - BOOK AU - BALINGCONGAN, KARMELA B AU - CASTRO, BARTY B., IV AU - DELA CRUZ, DANIEL JOHN LORETTE H AU - GAVANZO, JOHN BRIAN H AU - MEDRIANO, ANDREA MAE L AU - VASQUEZ, JESSA MARIE M TI - EPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL NG WALA SA ORAS NA PAGKAIN AV - GENEDFIL20130012 PY - 2013/// CY - QUEZON CITY PB - FEU-NRMF N1 - gened N2 - ABSTRACT: Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay sa hinaharap. Madalas nating marinig na lahat ng ginagawa ng magulang ay para sa ikabubuti ng anak. Wala silang ibang mithiin kundi mapabuti at maiayos ang kinabukasan ng kanilang anak. Mula pagkabata, sila ang nag-aruga at nagpalaki sa kanilang anak. Ang mga magulang ay may mahalagang papel sa desisyon ng anak lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pinag-uusapan. Dapat pinag-uusapan at pinagplanuhan mabuti ang mga bagay na dapat ding ibigay konsiderasyon sa pag-aaral ng anak. Ilan sa mga dapat ibigay ng konsiderasyon sa pagpili ng kurso ay hilig o saan interesado ang anak, ang ipon o budget sa kursong gusto, at ang kakayahang ng anak. Sa pagpili ng kurso, hindi masama kung pakinggan natin ang kanilang opinyon o suhestiyon kung anong kurso ang nararapat sa anak. Ang mga magulang ang siyang gabayy sa usaping ito, pero hindi rin masama na sabihin kung ano ang gusto ng anak. Mahalaga ring isaalang alang ang interes ng anak, dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng kanya ng sigla sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagtatrabaho ER -