SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSONG KUKUNIN SA KOLEHIYO NG MGA MAG-AARAL NA NASA IKA-APAT NA TAON SA HAYSKUL SA NATIONAL COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
- QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2014
- 36 PAGES
ABSTRACT: Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga salik na nakakaepekto sa pagpili ng kurso para sa kolehiyo ng mga estyudante na nasa ika-apat na taon sa National College of Business and Arts. Ito ay sinaliksik upang masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1.)Ano-ano ang mga karaniwang batayan sa pagpili ng mga mag-aaral ng kursong kukuhanin para sa kolehiyo?. 2.)Sino-sino ang nakakaimpluwensya sa pagpili ng mga mag-aaral sa pagpili ng mga kurso? Ginamit ng mga mananaliksik ang descriptive-sarbey metodo para malikom ang lahat ng impormasyon na kaugnay sa pag-aaral ng mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kurso para sa kolehiyo, lahat ng respondente ay may kabuuang bilang na isang daan at apatnapu (140); pitumpu`t siyam (79) ang mga kababaihan samantala animnapu`t isa (61) naman ang sa kalalakihan; tatlongpu`t walo (38) ang mga edad labinapat hangang labinlima taong gulang samantala isang daan at dalawa (102) naman ang may edad na labinamim pataas. siyamnapu; (90) o Siyamnapu`t apat na porsiyento (64%) ang nagsabi o sumagot na ang lokasyon ng unibersidad ang kanilang pinagbabatayan sa pagpili ng kanilang kursong kukunin para sa kolehiyo, animnapu`t anim na porsiyento (66%) osiyamnapu`t dalawa (92) ang nagsabi na sarili nilang kagustuhan ang nakaimpluwensya sa kanilang pagpili ng kurso para sa kolehiyo.