EPEKTO NG PAGKAKARON NG STRIKTONG GURO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA PILING MAG-AARAL NA NASA UNANG TAON NG NURSING MULA SA FEU-NRMF SA TAONG 2015-2016
- QUEZON CITY FEU-NRMF APRIL 2016
- 26 PAGES
ABSTRAK: ANG PAG-AARAL NA ITO AY NAGLALAYONG MALAMAN ANG MGA EPEKTO NG PAGKAKAROON NG STRIKTONG GURO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL NA ANASA UNANG TAON NG NURSING SA TAONG 2015-25016 MULA SA FAR EATERN UNIVERSITY -DR. NICANOR REYES MEDICAL FOUNDATION (FEU-NRMF). ANG MGA MAKIKINABANBG SA PAG-AARAL NA ITO AY ANG MGA GURO, MAG-AARAL, AT MGA SUSUNOD NA MANANALIKSIK NA NAGNANAIS NA IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL NA ITO. ANG BPAG-AARAL NA ITO AY NAGSIMULA NOONG ENERO 2016 AT NAGTAPOS NG ABRIL 2016. ANG MGA MANANALIKSIK AY GUMAWA NG DESKRIPTIB-ANALITIK NA PAMAMARAAN UPANG MAPADALI ANG PAGKALAP NG MGA DATOS AT IMPORMASYON. GUMAWA ANG MGA MANANALIKSIK NG SARBEY-KWESTYONEYR BILANG INSTRUMENTO NG PAG-AARAL. ANG MGA NAKALAP NA IMPORMASYON GAMIT ANG INTRUMENTONG ITO AY KINAKAILANGAN UPANG MAISAGAWA ANG NASABING PAG-AARAL. ANG MGA NAPILING RESPONDENTE NG PAG-AARAL NA ITO AY ANG MGA NASA UNANG TAON NG NURSING SA TAONG 2015-2016 MULA SA FAR EASTERN UNIVERSITY-DR. NICANOR REYES MEDICAL FOUNDATION(FEU-NRMF). WEIGHTED MEAN ANG GINAMIT NG MGA MANANALIKSIK UPANG MAKUHA ANG INTERPRETASYON MULA SA MGA SARBEY-KWESTYONEYR NA ISINAGAWA NG MGA MANANALIKSIK. SA PAG PRESINTA NG MGA NAKALAP NA DATOS, GINAMIT NG MGA MANANALIKSIK ANG TALAHANAYAN AT TEKSTUWAL N APAGPIPRESINTA UPANH MADALING MAINTINDAHAN NG MGA MAGBABSA NG NASABING PAG-AARAL. ANG MGA NAKALAP NA DATOS MULA SA MGA MAG-AARAL NG UNANG TAONG NG NURSING AY NAPAG-ALAMAN NG MGA MANALIKSIK NA MALAKI ANG EPEKT NG PAGIGING STRIKTO NG GURO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL. SA PAG-AARAL NA ITO AY NAPAG-ALAMAN DIN MGA MANANALIKSIK ANG MGA POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG PAGIGING STRIKTO NG GURO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL.