000 03382nam a22002897a 4500
999 _c9066
_d9066
003 PILC
005 20240720152741.0
008 160505b2014 xxu||||| |||| 00| 0 eng d
040 _cFEU-NRMF MEDICAL LIBRARY
050 _aGENEDFIL20140005
245 _aANG EPEKTIBONG ORAS NG PAGREREBYU PARA SA MGA PAGSUSULIT NG MGA MAG-AARAL NA MEDTECH SA UNANG TAON SA KOLEHIYO NG FEU-NRMF
260 _aQUEZON CITY
_bFEU-NRMF
_cMARCH 2014
300 _a52 PAGES
520 _aABSTRACT: May mga bagay sa mundo na naglalaho at lumilipas nang hindi man lamang ito napapansin. Isang halimbawa nito ay ang oras. Hindi man ito napanghahawakan, itinuturing ito na napakaimportanteng bagay sa buhay ng tao. Ika nga ng isang kasabihan, "time is gold". Kung tatanungin mo ang isang businessman, ang oras ay ginto dahil sa bawat oras na kanilang ginugugol sa pagtatrabaho ay may katumbas na pera. Maging ang mga doktor, guro, magsasaka, mangingisda at iba pang propesyon ay pinapahalagahan ang bawat oras na dumating. Tuwing nagkakaroon ng pagsusulit, mahaba man o maikli, ang bawat mag-aaral ay naglalaan ng oras upang magbalik-aral. Ang oras sa kanila ay ginto dahil sa bawat oras na sila`y nag-aaral o nagbabalik-aral, sila ay may nakukuhang knowledge. Muli nilang binabasa o binabalikan ang lahat ng kanilang tinalakay at pinag-aralan para makakuha ng mataas na marka. Ayon sa isang pahayag ang bawat isa ay may kanya-kanyang aktibong oras. Tinutukoy dito ang oras kung saan ang isip at katawan ng isang tao ay lubusang gising at aktibo. Sa pagtukoy ng sariling aktibong oras, makakapili ng tamang oras ang mag-aaral para makapag-isip ng mga epektibong paraan na magagamit sa pag-aaral at pagbabalik-aral. Mas maoorganisa nito ang mga mahalagang gawain na kailangan pagtuunan at pag-ukulan ng pansin. Ang resulta ng epektibong Pagbabalik-aral ay ang pagkamit ng inaasam na mataas na marka at ang pagiging epektibong instrumento sa pag-aaral. Sa pagbabalik-aral, may mga bagay talaga na nagiging hadlang o istorbo tulad na lang ng buglaang pagkaantok, pagkawala ng gana at pokus at ang kakaunting oras na maaaring mailaan sa pag-aaral, Maaari ring makaapekto ang kahabaan ng break na inilalaan ng isang mag-aaral sa tuwing siya`y nagbabalik-aral. Sa pagitan ng mga oras ng pagrerebyu, mahalagang magkaroon din ng pahinga sa kadahilanang napapagod din ang ating utak sa pag-iisip. Subalit, ang sobrang habang break naman ay nagdudulot ng katamaran at kawalan ng interes ng mag-aaral na magrebyu ulit. May mga taong komportableng magbalik-aral tuwing umaga dahil sila`y mas nakakapag-aral nang mabuti ngunit, mabilis naman silang mawalan ng pokus at mapagod. Habang sa gabi naman ay tahimik at wala masyadong sagabal ngunit, posible namang antukin at mawalan ng gana. ano nga ba ang mas epektibong oras ng pagbabalik-aral? Mainam bang bang magbalik-aral sa umaga? O mas mainam na tuwing gabi na lang? Bkit nga ba nagkakaroon ng sitwasyong ganito? Anu-ano ba ang mga posibleng dahilan nito?
521 _agened
700 _aAladano, Armelle
700 _aBadilla, Fevelie Jane
700 _aBondoc, Idgee
700 _aBulaquena, Hannah Gilbreille S.
700 _aCruz, Jeremy Anne C.
700 _aEdades, Kevin M.
700 _aMatienzo, Loreto Francisco
700 _aReyes, Rafael Joshua
700 _aSantos, Patrick Chiron
700 _aSarip, Juhaina
942 _2lcc
_cTH