ANTAS NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG MEDICAL TECHNOLOGY SA FEU-NRMF SA MGA PAGKAING MAY SANGKAP NA SODIUM BENZOATE PRESERVATIVE

ANTAS NG KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG MEDICAL TECHNOLOGY SA FEU-NRMF SA MGA PAGKAING MAY SANGKAP NA SODIUM BENZOATE PRESERVATIVE - QUEZON CITY FEU-NRMF ND - 22 PAGES

ABSTRACT: Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa unang taon ng Kursong Medical Technology sa FEU-NRMF sa mga pagkaing may sangkap na sodium benzoate preservative. Ito ay pinag-aaralan upang masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1) Anu-ano ang demograpikong propayl ng mga estudyante sa FEU-NRMF na kadalasan ay kumakain ng mga pagkaing may taglay ng Sodium benzoate preservative ayon sa kanilang edad at kasarian? 2) Ano ang mga kadalasang basehan ng mga estudyante sa FEU-NRMF sa pagpili ng pagkain; brand, presyo, magandang epekto sa katawan, popularidad? 3) Anu-ano ang mga kadalasang pagkain na nagtataglay ng sodium benzoate preservative; vegetable salads, jams, margarin, karne? 4) Ano ang mga karaniwang dulot sa katawan ng mga pagkaing may taglay ng sodium benzoate preservative; hyperactivity; pagkapinsala sa DNA, pagkamatay ng cells, at kanser?

GENEDFILND0001