EPEKTO NG PAGKAKAROON NG BANYAGANG MAG-AARAL SA MGA KLASENG NASA UNANG TAON SA IBAT-IBANG KURSO SA KOLEHIYO NG FEU-NRMF (Record no. 8633)

MARC details
000 -LEADER
fixed length control field 06250nam a22002537a 4500
003 - CONTROL NUMBER IDENTIFIER
control field PILC
005 - DATE AND TIME OF LATEST TRANSACTION
control field 20240720152649.0
008 - FIXED-LENGTH DATA ELEMENTS--GENERAL INFORMATION
fixed length control field 160505b2013 xxu||||| |||| 00| 0 eng d
040 ## - CATALOGING SOURCE
Transcribing agency FEU-NRMF MEDICAL LIBRARY
041 ## - LANGUAGE CODE
Language code of text/sound track or separate title Filipino
050 ## - LIBRARY OF CONGRESS CALL NUMBER
Classification number GENEDFIL20130002
245 ## - TITLE STATEMENT
Title EPEKTO NG PAGKAKAROON NG BANYAGANG MAG-AARAL SA MGA KLASENG NASA UNANG TAON SA IBAT-IBANG KURSO SA KOLEHIYO NG FEU-NRMF
260 ## - PUBLICATION, DISTRIBUTION, ETC. (IMPRINT)
Place of publication, distribution, etc. QUEZON CITY
Name of publisher, distributor, etc. FEU-NRMF
Date of publication, distribution, etc. MARCH 2013
300 ## - PHYSICAL DESCRIPTION
Extent 47 PAGES
520 ## - SUMMARY, ETC.
Summary, etc. ABSTRACT: Isa ang bansang Pilipinas sa mga lugar sa buong mundo na dinarayo ng mga turista taun-taon. Ang madalas na dahilan sa pagpunta ng mga banyaga sa bansa ay ang mga magagandang tanawin na tanging dito sa lupang sinilangan ng mga Filipino lamang matatagpuan, Hindi na rin lingid sa kaalaman ng mga Filipino na bukod sa pagbabakasyon, ang ilan sa kanila ay nananatili o naninirahan na rito dahil sa pagkabighani sa bansa at sa mga Filipino. Nakakabit na rin dito ang pag-aaral ng mga dayuhan sa bansa at kanilang patuloy na pagdami rito. Masasabing magandang pangitain iyon para sa nakararami sa Pilipinas na malaman at makita dahil ipinapakita lamang nito na ang kagalingan ng mga Filipinong guro sa pagtuturo ay kinikilala na rin sa ibang panig ng mundo. Dahil hindi naman nila maiisipang mag-aral sa Pilipinas o magkaroon man lang ng tiwalang maturuan ng mga Filipinong guro kung alam nilang hindi magiging epektibo o walang saysay ang mga ito sa kanila. Sa pangyayaring ito, marami ang pabor dahil umaangat daw ang uri ng pamumuhay ng mga Filipino at tila raw kaya na nilang makipagsabayan sa ibang mga bansa. Natututo silang makisalamuha sa ibang lahi kung kaya`t mas nahahasa nila ang kanilang mga makrong kasanayan, lalung-lalo na ang pagsasalita at pakikinig. Natututo rin sila ng ibang mga bagay, tradisyon o kaugalian na makatutulong sa kanilang pamumuhay at sa iba`t ibang larangan. Nadadagdagan din ang mga Filipino at hindi nagiging limitado dahil bukas sila sa pagbabago na nagmumula sa mga banyaga. Nagiging liberated na rin sila kung tawagin, kung kaya`t mas nabubuksan ang kanilang isipan sa mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran. Natututo rin ang mga Filipino na maging independent o mag-isa ng walang tulong ng kanilang mga magulang katulad ng mga banyaga kung kaya`t nababawasan ang kanilang pagiging sakit ng ulo sa kanilang mga magulang. Marami ring iba pang positibong opinyon o nasasabi na may punto at kakikitaan ng bahagyang katotohanan na nagmumula sa mga pabor sa kaganapang ito. Ngunit hindi lahat ng Filipino ay handa na sa pakikisalamuha sa mga banyaga, lalung-lalo na ang mga kabataan na nakakasama ang iba sa kanilang mga klase o paaralan. Hindi lahat ay positibo ang naiisip sa usaping ito, ang ilan ay tinututulan ito dahil daw mas nabibigyan na ng importansya ang mga banyaga sa bansa kaysa sa mga Filipinong dito isinilang at lumaki. Ang iba pa ay nagsasabi na tila raw sila`y sinasakop muli ng mga banyaga katulad noon, ang kaibahan lang daw ay hindi nila napapansin iyon ngayong dahil walang dahas na ginagamit. Nawawala na rin raw kasi ang mga tradisyon ng Filipino na kanilang naman at unti-unti ng napapalitan ng mga tradisyong galing sa iba. Kabastusan rin daw, ayon sa mga matatanda, ang mga natuutunan ng kabataan sa pagiging liberated tulad ng mga banyaga sapagkat binuksan daw nila ang isipan ng mga kabataan sa mga bagay na dapat ang mga nakatatanda o nasa wastong edad lamang ang nakakaintindi o nakakaalam. Kitang-kitang iba`t iba ang opinyon ng mga Filipino sa kaganapang ito, kung kaya`t pati sa mga paaralan na kinabibilangan ng mga banyagang mag aaral ay iba`t ibang kaganapan ang maoobserbahan. Hindi pare-parehas ang turing sa mga banyaga na kanilang kamag-aral; may mabait, may masama at mayroon ding walang pakialam, Marami ring sitwasyong hindi inaasahan na kailangang harapin ng buong klase sa tuwing may banyagang mag-aaral, kung kaya`t mahalaga na alam ang karaniwan sa mga ito. Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na "Epekto ng Pagkakaroon ng Banyagang Mag-aaral sa mga Klaseng nasa Unang Taon sa Iba`t ibang Kurso sa Kolehiyo ng FEU-NRMF". Ito ay makatutulong sa mga banyaga at mga mag mag-aaral sa parehas na klase na magkaisa sa pamamagitan ng pag-intindi sa kanilang maaring maging sitwasyon upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan, pati na rin sa kanilang guro. Nakakabit na rin dito ang pag-aaral ng mga dayuhan sa bansa at kanilang patuloy na pagdami rito. Masasabing magandang pangitain iyon para sa nakararami sa Pilipinas na malaman at makita dahil ipinapakita lamang nito na ang kagalingan ng mga Filipinong guro sa pagtuturo ay kinikilala na rin sa ibang panig ng mundo. Dahil hindi naman nila maiisipang mag-aral sa Pilipinas o magkaroon man lang ng tiwalang maturuan ng mga Filipinong guro kung alam nilang hindi magiging epektibo o walang saysay ang mga ituturo ng mga ito sa kanila. Sa pangyayaring ito, marami ang pabor dahil umaangat daw ang urii ng pamumuhay ng mga Filipino at tila raw kaya na nilang makipagsabayan sa ibang mga bansa. Natututo silang makisalamuha sa ibang lahi kung kaya`t mas nahahasa nila ang kanilang mga makrong kasanayan, lalung-lalo na ang pagsasalita at pakikinig. Natututo rin sila ng ibang mga bagay, tradisyon o kaugalian na makatutulong sa kanilang pamumuhay at sa iba`t ibang larangan. Nadadagdagan din ang mga kaalaman ng mga Filipino at hindi nagiging limitado dahil bukas sila sa pagbabago na nagmumula sa mga banyaga. Nagiging liberated na rin sila kung tawagin, kung kaya`t mas mabubuksan ang kanilang isipan sa mga bagay na natural ng pangyayari sa ating kapaligiran. Natututo rin ang mga Filipino na maging independent o mamuhay ng mag-isa ng walang tulong ng kanilang mga magulang katulad ng mga banyaga kung kaya`t nababawasan ang kanilang pagiging sakit sa ulo sa kanilang mga magulang. Marami ring iba pang positibong opinyon o nasasabi na may punto at kakikitaan ng bahagyang katotohanan na nagmumula sa mga pabor sa kaganapang ito.
521 ## - TARGET AUDIENCE NOTE
Target audience note
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name ESTEVES, MARION Q
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name GAMBOA, KATRINA MARIE
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name MERCADO, JILLIANE MAE B
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name PUNO, RUSELL ANN V
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name QUIRINO, DIDITH DIANE W
700 ## - ADDED ENTRY--PERSONAL NAME
Personal name RODRIGUEZ, JANA MARIE A
942 ## - ADDED ENTRY ELEMENTS (KOHA)
Source of classification or shelving scheme Library of Congress Classification
Koha item type Theses
Holdings
Withdrawn status Lost status Source of classification or shelving scheme Damaged status Not for loan Home library Current library Shelving location Date acquired Total Checkouts Full call number Barcode Date last seen Price effective from Koha item type
    Library of Congress Classification     Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation Theses 02/11/2015   GENEDFIL20130002 T001052 02/11/2015 07/22/2016 Theses