Image from Google Jackets

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KONSENTRASYON NG MGA MAG-AARAL SA KLASE NA NASA UNANG TAON NG KOLEHIYO NG FEU-NRMF

Contributor(s): Publication details: QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2013Description: 55 PAGESLOC classification:
  • GENEDFIL20130006
Summary: ABSTRACT: Ang konsentrasyon sa pag-aaral at pagharap sa buhay-kolehiyo ay dapat na taglay ng isang indibidwal upang makamit ang kanyang mga hinahangad at pinapangarap sa buhay. Ngunit, napakaraming mga putik na nagpapabagal sa paglago ng antas ng kakayahan ng isang mag-aaral sa kolehiyo. Kumbaga`y madalas na maligaw ang isang estudyante sapagkat nalilito na rin siya sa daang kanyang dinadaanan dahil sa mga bagay na nakakaapekto sa kanyang pag-aaral. Napakaraming kailangang harapin na mga buwaya pagdating sa kolehiyo. At isa na rito ang konsentrasyon na kapag nawala`y lalamunin na ang pag-iisip ng isang mag-aaral. Marami rin ang mga pag-aaral na isinama ang mga problemang sadyang humihila sa isang estudyante upang guluhin ang kanyang pag-iisip. Napakalaki ng pamamagitan na dapat hakbangin mula sa sekondaryang pag-aaral patungo sa tersyaryang pag-aaral o pagpasok ng kolehiyo. Kadalasan, napakaraming adjustments o pakikibagay ang kailangang harapin upang masanay sa mga pamamaraan ng pag-aaral na dapat gawin. Makikita na iba`t-iba na ang nagiging estado ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang pagharap sa buhay kolehiyo. Ang ilan, hindi talaga masanay sa paraan ng pagtuturo na meron ang mga propesor, sa silid aralang kanilang kinapapasukan, at bilang kabuuan, sa mismo na ring uri o antas ng kolehiyo. Samantala, ang iba naman ay nakapag-aadjust na sa simula pa lamang sa kanyang silid na kinapapasukan, sa mga tinuturo ng kanyang mga propesor, at sa kanya mismong mga "tradisyon" o paraan ng pag-aaral. Sa maraming pagkakataon, ang ilan sa mga estudyante ay bumabagsak sa mga pagsusulit dahil hindi niya alam ang study habits na dapat taglayin sa pagharap sa isang partikular na asignatura sa kolehiyo. Ang iba naman, sapagkat hindi lhat ay sanay sa siyudad na ginagalawan, hindi nila kayang maipokus kaagad ang kanilang mga sarili sa pag-aaral. Kumbaga`y mula sila sa probinsya, at ngayon, nag-aaral na sa isang modernisadong urban. Ang pagkakaroon ng kaibiga`y madali sa kolehiyo, ngunit ang pakikisabay sa agos ng pag-aaral ay nagiging matagal upang makamit ng ilan. Kadalasa, maraming dumarating na taga-aliw para sa isang mag-aaral. Ito ang nagdadala sa kanya patungo sa katamaran ng gana lalo pang paigtingin ang kanyang konsentrasyon. Minsan nama`y ang mga salik sa loob ng silid ay isang gantimpala para sa isang estudyante, ay minsan`y isang pahamak. Dagdag pa rito ay ang mga telenobela ng kanilang buhay na hindi nawawala sa kanilang isipan hanggang sa pagpasok ng paaralan. Sa kolehiyo ng FEU-NRMF, nagiging problema na ng ilan sa mga propesor ang kanilang mga naibibigay na grado sa kanilang mga estudyante. Madalas, alam nila sa sarili nila na ayos naman o napakaangkop ng kanilang teaching strategies ngunit nagtataka sila kung bakit patuloy pa ring bumabagsak o hindi makasunod ang kanilang mga mag-aaral. Makikita na ang ilan ay nahihikayat at namumulaklak ang mga ideya sa kaisipan, at ang ilan nama`y hindi talaga makuha ang atensyon at hindi makapokus sa mga bagay na guro sa klase. Ang concern hingil sa perpormans ng mga estudyante ang siyang dahilan sa paggawa ng pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang persepyon at makuha ang mga hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa konnsentrasyon ng mga mag-aaral sa klase na nasa unang taon ng kolehiyo ng FEU-NRMF.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Call number Status Date due Barcode
Theses Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation Theses GENEDFIL20130006 (Browse shelf(Opens below)) Available T001056

ABSTRACT: Ang konsentrasyon sa pag-aaral at pagharap sa buhay-kolehiyo ay dapat na taglay ng isang indibidwal upang makamit ang kanyang mga hinahangad at pinapangarap sa buhay. Ngunit, napakaraming mga putik na nagpapabagal sa paglago ng antas ng kakayahan ng isang mag-aaral sa kolehiyo. Kumbaga`y madalas na maligaw ang isang estudyante sapagkat nalilito na rin siya sa daang kanyang dinadaanan dahil sa mga bagay na nakakaapekto sa kanyang pag-aaral. Napakaraming kailangang harapin na mga buwaya pagdating sa kolehiyo. At isa na rito ang konsentrasyon na kapag nawala`y lalamunin na ang pag-iisip ng isang mag-aaral. Marami rin ang mga pag-aaral na isinama ang mga problemang sadyang humihila sa isang estudyante upang guluhin ang kanyang pag-iisip. Napakalaki ng pamamagitan na dapat hakbangin mula sa sekondaryang pag-aaral patungo sa tersyaryang pag-aaral o pagpasok ng kolehiyo. Kadalasan, napakaraming adjustments o pakikibagay ang kailangang harapin upang masanay sa mga pamamaraan ng pag-aaral na dapat gawin. Makikita na iba`t-iba na ang nagiging estado ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang pagharap sa buhay kolehiyo. Ang ilan, hindi talaga masanay sa paraan ng pagtuturo na meron ang mga propesor, sa silid aralang kanilang kinapapasukan, at bilang kabuuan, sa mismo na ring uri o antas ng kolehiyo. Samantala, ang iba naman ay nakapag-aadjust na sa simula pa lamang sa kanyang silid na kinapapasukan, sa mga tinuturo ng kanyang mga propesor, at sa kanya mismong mga "tradisyon" o paraan ng pag-aaral. Sa maraming pagkakataon, ang ilan sa mga estudyante ay bumabagsak sa mga pagsusulit dahil hindi niya alam ang study habits na dapat taglayin sa pagharap sa isang partikular na asignatura sa kolehiyo. Ang iba naman, sapagkat hindi lhat ay sanay sa siyudad na ginagalawan, hindi nila kayang maipokus kaagad ang kanilang mga sarili sa pag-aaral. Kumbaga`y mula sila sa probinsya, at ngayon, nag-aaral na sa isang modernisadong urban. Ang pagkakaroon ng kaibiga`y madali sa kolehiyo, ngunit ang pakikisabay sa agos ng pag-aaral ay nagiging matagal upang makamit ng ilan. Kadalasa, maraming dumarating na taga-aliw para sa isang mag-aaral. Ito ang nagdadala sa kanya patungo sa katamaran ng gana lalo pang paigtingin ang kanyang konsentrasyon. Minsan nama`y ang mga salik sa loob ng silid ay isang gantimpala para sa isang estudyante, ay minsan`y isang pahamak. Dagdag pa rito ay ang mga telenobela ng kanilang buhay na hindi nawawala sa kanilang isipan hanggang sa pagpasok ng paaralan. Sa kolehiyo ng FEU-NRMF, nagiging problema na ng ilan sa mga propesor ang kanilang mga naibibigay na grado sa kanilang mga estudyante. Madalas, alam nila sa sarili nila na ayos naman o napakaangkop ng kanilang teaching strategies ngunit nagtataka sila kung bakit patuloy pa ring bumabagsak o hindi makasunod ang kanilang mga mag-aaral. Makikita na ang ilan ay nahihikayat at namumulaklak ang mga ideya sa kaisipan, at ang ilan nama`y hindi talaga makuha ang atensyon at hindi makapokus sa mga bagay na guro sa klase. Ang concern hingil sa perpormans ng mga estudyante ang siyang dahilan sa paggawa ng pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang persepyon at makuha ang mga hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa konnsentrasyon ng mga mag-aaral sa klase na nasa unang taon ng kolehiyo ng FEU-NRMF.

There are no comments on this title.

to post a comment.