Image from Google Jackets

ANG EPEKTIBONG ORAS NG PAGREREBYU PARA SA MGA PAGSUSULIT NG MGA MAG-AARAL NA MEDTECH SA UNANG TAON SA KOLEHIYO NG FEU-NRMF

Contributor(s): Publication details: QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2014Description: 52 PAGESLOC classification:
  • GENEDFIL20140005
Summary: ABSTRACT: May mga bagay sa mundo na naglalaho at lumilipas nang hindi man lamang ito napapansin. Isang halimbawa nito ay ang oras. Hindi man ito napanghahawakan, itinuturing ito na napakaimportanteng bagay sa buhay ng tao. Ika nga ng isang kasabihan, "time is gold". Kung tatanungin mo ang isang businessman, ang oras ay ginto dahil sa bawat oras na kanilang ginugugol sa pagtatrabaho ay may katumbas na pera. Maging ang mga doktor, guro, magsasaka, mangingisda at iba pang propesyon ay pinapahalagahan ang bawat oras na dumating. Tuwing nagkakaroon ng pagsusulit, mahaba man o maikli, ang bawat mag-aaral ay naglalaan ng oras upang magbalik-aral. Ang oras sa kanila ay ginto dahil sa bawat oras na sila`y nag-aaral o nagbabalik-aral, sila ay may nakukuhang knowledge. Muli nilang binabasa o binabalikan ang lahat ng kanilang tinalakay at pinag-aralan para makakuha ng mataas na marka. Ayon sa isang pahayag ang bawat isa ay may kanya-kanyang aktibong oras. Tinutukoy dito ang oras kung saan ang isip at katawan ng isang tao ay lubusang gising at aktibo. Sa pagtukoy ng sariling aktibong oras, makakapili ng tamang oras ang mag-aaral para makapag-isip ng mga epektibong paraan na magagamit sa pag-aaral at pagbabalik-aral. Mas maoorganisa nito ang mga mahalagang gawain na kailangan pagtuunan at pag-ukulan ng pansin. Ang resulta ng epektibong Pagbabalik-aral ay ang pagkamit ng inaasam na mataas na marka at ang pagiging epektibong instrumento sa pag-aaral. Sa pagbabalik-aral, may mga bagay talaga na nagiging hadlang o istorbo tulad na lang ng buglaang pagkaantok, pagkawala ng gana at pokus at ang kakaunting oras na maaaring mailaan sa pag-aaral, Maaari ring makaapekto ang kahabaan ng break na inilalaan ng isang mag-aaral sa tuwing siya`y nagbabalik-aral. Sa pagitan ng mga oras ng pagrerebyu, mahalagang magkaroon din ng pahinga sa kadahilanang napapagod din ang ating utak sa pag-iisip. Subalit, ang sobrang habang break naman ay nagdudulot ng katamaran at kawalan ng interes ng mag-aaral na magrebyu ulit. May mga taong komportableng magbalik-aral tuwing umaga dahil sila`y mas nakakapag-aral nang mabuti ngunit, mabilis naman silang mawalan ng pokus at mapagod. Habang sa gabi naman ay tahimik at wala masyadong sagabal ngunit, posible namang antukin at mawalan ng gana. ano nga ba ang mas epektibong oras ng pagbabalik-aral? Mainam bang bang magbalik-aral sa umaga? O mas mainam na tuwing gabi na lang? Bkit nga ba nagkakaroon ng sitwasyong ganito? Anu-ano ba ang mga posibleng dahilan nito?
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Call number Status Date due Barcode
Theses Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation Theses GENEDFIL20140005 (Browse shelf(Opens below)) Available T001075

ABSTRACT: May mga bagay sa mundo na naglalaho at lumilipas nang hindi man lamang ito napapansin. Isang halimbawa nito ay ang oras. Hindi man ito napanghahawakan, itinuturing ito na napakaimportanteng bagay sa buhay ng tao. Ika nga ng isang kasabihan, "time is gold". Kung tatanungin mo ang isang businessman, ang oras ay ginto dahil sa bawat oras na kanilang ginugugol sa pagtatrabaho ay may katumbas na pera. Maging ang mga doktor, guro, magsasaka, mangingisda at iba pang propesyon ay pinapahalagahan ang bawat oras na dumating. Tuwing nagkakaroon ng pagsusulit, mahaba man o maikli, ang bawat mag-aaral ay naglalaan ng oras upang magbalik-aral. Ang oras sa kanila ay ginto dahil sa bawat oras na sila`y nag-aaral o nagbabalik-aral, sila ay may nakukuhang knowledge. Muli nilang binabasa o binabalikan ang lahat ng kanilang tinalakay at pinag-aralan para makakuha ng mataas na marka. Ayon sa isang pahayag ang bawat isa ay may kanya-kanyang aktibong oras. Tinutukoy dito ang oras kung saan ang isip at katawan ng isang tao ay lubusang gising at aktibo. Sa pagtukoy ng sariling aktibong oras, makakapili ng tamang oras ang mag-aaral para makapag-isip ng mga epektibong paraan na magagamit sa pag-aaral at pagbabalik-aral. Mas maoorganisa nito ang mga mahalagang gawain na kailangan pagtuunan at pag-ukulan ng pansin. Ang resulta ng epektibong Pagbabalik-aral ay ang pagkamit ng inaasam na mataas na marka at ang pagiging epektibong instrumento sa pag-aaral. Sa pagbabalik-aral, may mga bagay talaga na nagiging hadlang o istorbo tulad na lang ng buglaang pagkaantok, pagkawala ng gana at pokus at ang kakaunting oras na maaaring mailaan sa pag-aaral, Maaari ring makaapekto ang kahabaan ng break na inilalaan ng isang mag-aaral sa tuwing siya`y nagbabalik-aral. Sa pagitan ng mga oras ng pagrerebyu, mahalagang magkaroon din ng pahinga sa kadahilanang napapagod din ang ating utak sa pag-iisip. Subalit, ang sobrang habang break naman ay nagdudulot ng katamaran at kawalan ng interes ng mag-aaral na magrebyu ulit. May mga taong komportableng magbalik-aral tuwing umaga dahil sila`y mas nakakapag-aral nang mabuti ngunit, mabilis naman silang mawalan ng pokus at mapagod. Habang sa gabi naman ay tahimik at wala masyadong sagabal ngunit, posible namang antukin at mawalan ng gana. ano nga ba ang mas epektibong oras ng pagbabalik-aral? Mainam bang bang magbalik-aral sa umaga? O mas mainam na tuwing gabi na lang? Bkit nga ba nagkakaroon ng sitwasyong ganito? Anu-ano ba ang mga posibleng dahilan nito?

There are no comments on this title.

to post a comment.