MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGHAHANDA NG MGA ESTUDYANTE NG FEU-NRMF SA PAGKUHA NG BATTERY EXAM
Language: Filipino Publication details: QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2015Description: 46 PAGESLOC classification:- GENEDFIL20150027
Item type | Current library | Call number | Status | Date due | Barcode | |
---|---|---|---|---|---|---|
Theses | Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation Theses | GENEDFIL20150027 (Browse shelf(Opens below)) | Available | T001168 |
ABSTRACT: "Follow your dreams", wika nga nila. Ngunit bakit pagdating sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, ang mga estudyante ay para bagang naguguluhan at nalilito. Ganun ba kahirap isipin kung ano ang gusto at pangarap nila para sa kanilang sarili? Paano sila makakapagdesisyon ng walang pagsisisi sa huli? Mahihirapan ang isang mag-aaral na sagutin ang mga katanungan na iyan kung ang mismong sitwasyon ay hindi niya mararanasan. Tunay ngang marami pang dapat pagdaanan ang isang estudyante bago mapagdesisyunan ang unang hakbang para sa magandang kinabukasan. Ayon sa artikulong isinulat ni Rocky Rivera, ang pagpili ng kursong kukuhanin sa kolehiyo ay maihahalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Kung yaman at udyok ng magulang ang iyong basehan sa pagpili ng mapapangasawa, dalawa lamang ang maaring mangyari; ang ikaw ay makipaghiwalay o magsisi ka habang buhay. Katulad rin iyan ng pagpili ng kurso sa kolehiyo. Kung ang iyong desisyon na gagawin ay hindi akma sa pangarap mo para sa itong sarili, walang patutunguhan ang iyong kinabukasan at hindi mo mararamdaman ang tunay na kaligayahan. Kaligayahan na hindi lang pera ang dahilan kindi ang mga bagay na hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman. Ito lamang ang lagi mong tatandaan, mas mahirap tiisin ang pagsisisi kaysa kalungkutan.
There are no comments on this title.