Image from Google Jackets

EPEKTO NG SAMAHAN NG PAMILYA SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL NG UNANG ANTAS SA KOLEHIYO SA KURSONG MEDICAL TECHNOLOGY NG FAR EASTERN UNIVERSITY - DR. NICANOR REYES MEDICAL FOUNDATION

Contributor(s): Language: English Publication details: QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2014Description: 48 PAGESLOC classification:
  • GENEDFIL 20140004
Summary: ABSTRACT: Ang pag-aaral ay isa sa mga natatanging yaman na maaring maipamana sa atin ng ating mga magulang. Ito`y matuturing din na lifeline para sa marami nating kababayan na nakakaranas ng kahirapan. Kung tutuusin, isa itong napakahalagang bagay, at maari nating masabi na kasama ito sa mga pangangailangan ng tao para mabuhay. `Di nga ba na kamangmangan at kasalatan sa kaalaman ang isa sa mga problema na nararanasan ng mga mamamayan ng ating bansa. Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hibdi kailan man mababago sa mundo. Ang ama, ina at mga kapatid ng isang tao ay hindi mapapalitan ng sinuman. Tunay nga na napalalaking impluwensiya ng pamilya sa buhay ng isang tao. Pamilya man ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang pamayanan, ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal, kasiyahan at inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito. Totoo nga na ang pag-aaral ay isang mahalagang salik para tayo ay magkaroon ng isang maginhawang buhay, kaya nga ginagawa ng ating mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para matustusan ang ating pag-aaral upang tayo ay makapagtapos. Khit mahirap, handa nilang isakripisyo ang kanilang kalusugan at ubosin ang oras nila sa trabaho. Lhat ng ito ay kanilang gagawin para sa ikaka-ayos ng pag-aaral ng kanilang mga anak. Pero ang akala nila na magandang layunin at gawain ay may naiidulot ding masasamang epekto tulad ng kawalan ng oras para sa kanilang pamilya at di-magandang samahan sa loob ng bahay. Dahil dito, ang mismong bagay na pinaghihirapan nilang ibigay sa kanilang mga anak ay nasisira, Ang pagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa loob ng kanilang pamilya ay nagiging sagabal sa konsentrasyon ng isang mag-aaral sa kanyang pag-aaral. Kawalan ng gana mag-aral, pagsama sa barkada at pagkalulong sa mga bisyo ang mga karaniwang resulta ng ganitong panyayari. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng samahan ng pamilya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Nais tukuyin ng mga mananaliksik ang nadudulot na epekto ng relasyon ng pamilya, mabuti at masam, sa pag-aaral ng isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsu-survey ay makakamit ng mga mananaliksik ang resulta na nais upang masagot ang mga katanungan hinggil sa paksang napili. Ang tisis na ito ay naglalayon na maintindihan ang saloobin ng isang mag-aaral tungo sa samahan ng pamilya na kanyang kinabibilangan, matukoy ang kanilang tugon sa pangyayari na ito at makapagrekomenda ng mga solusyong ideyal at naaangkop.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Call number Status Date due Barcode
Theses Far Eastern University - Nicanor Reyes Medical Foundation Theses GENEDFIL20140004 (Browse shelf(Opens below)) Available T001074

ABSTRACT: Ang pag-aaral ay isa sa mga natatanging yaman na maaring maipamana sa atin ng ating mga magulang. Ito`y matuturing din na lifeline para sa marami nating kababayan na nakakaranas ng kahirapan. Kung tutuusin, isa itong napakahalagang bagay, at maari nating masabi na kasama ito sa mga pangangailangan ng tao para mabuhay. `Di nga ba na kamangmangan at kasalatan sa kaalaman ang isa sa mga problema na nararanasan ng mga mamamayan ng ating bansa. Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hibdi kailan man mababago sa mundo. Ang ama, ina at mga kapatid ng isang tao ay hindi mapapalitan ng sinuman. Tunay nga na napalalaking impluwensiya ng pamilya sa buhay ng isang tao. Pamilya man ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang pamayanan, ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal, kasiyahan at inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito. Totoo nga na ang pag-aaral ay isang mahalagang salik para tayo ay magkaroon ng isang maginhawang buhay, kaya nga ginagawa ng ating mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para matustusan ang ating pag-aaral upang tayo ay makapagtapos. Khit mahirap, handa nilang isakripisyo ang kanilang kalusugan at ubosin ang oras nila sa trabaho. Lhat ng ito ay kanilang gagawin para sa ikaka-ayos ng pag-aaral ng kanilang mga anak. Pero ang akala nila na magandang layunin at gawain ay may naiidulot ding masasamang epekto tulad ng kawalan ng oras para sa kanilang pamilya at di-magandang samahan sa loob ng bahay. Dahil dito, ang mismong bagay na pinaghihirapan nilang ibigay sa kanilang mga anak ay nasisira, Ang pagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa loob ng kanilang pamilya ay nagiging sagabal sa konsentrasyon ng isang mag-aaral sa kanyang pag-aaral. Kawalan ng gana mag-aral, pagsama sa barkada at pagkalulong sa mga bisyo ang mga karaniwang resulta ng ganitong panyayari. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng samahan ng pamilya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Nais tukuyin ng mga mananaliksik ang nadudulot na epekto ng relasyon ng pamilya, mabuti at masam, sa pag-aaral ng isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsu-survey ay makakamit ng mga mananaliksik ang resulta na nais upang masagot ang mga katanungan hinggil sa paksang napili. Ang tisis na ito ay naglalayon na maintindihan ang saloobin ng isang mag-aaral tungo sa samahan ng pamilya na kanyang kinabibilangan, matukoy ang kanilang tugon sa pangyayari na ito at makapagrekomenda ng mga solusyong ideyal at naaangkop.

There are no comments on this title.

to post a comment.