ANG EPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MALALAYONG TIRAHAN NG BS PHYSICAL THERAPY STUDENTS NG FEU-NRMF

ANG EPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MALALAYONG TIRAHAN NG BS PHYSICAL THERAPY STUDENTS NG FEU-NRMF - QUEZON CITY FEU-NRMF MARCH 2014 - 41 PAGES

ABSTRACT: Ang pagtuturo ng mga propesor ang siyang pinakamahalaga sa mga mag-aaral at sa isang unibersidad. Sa pamamaraan ng kanilang pagtuturo, makikita kung mayroong natutunan o naisaisipan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ang mga propesor na gumagamit ng iba`t ibang istratehiya gaya ng pagpapakita ng sining sa pelikula na angkop sa kanilang pinag-aralan, pagtatalakay na interaktibo, pagpapagawa ng takdang-aralin, pagsusulit, pati ang pagpapaliwanag upang ito ay maintindihang mabuti ng mga mag-aaral. May oras na pinapapunta rin ang mga mag-aaral sa silid-aklatan upang magsaliksik at lumawak ang kanilang pinag-aralan at dapat pag-aralan.Ngunit hindi maiiwasan ang mga pagkakataong hirap makasunod ang mga mag-aaral sa paraan ng pagtuturo ng mga propesor, may mga pangyayari din na nawawala sa pokus ang mag-aral sa kalagitnaan o kaya naman ay nakatunganga lamang at walang partisipasyon. Sa mga kaganapang ganito, masasabing may pagkukulang ang mga propesor sa istratehiya na kanyang ginagamit sa pagtuturo. Isinagawa ng mga mananaliksik ang pamanahong papel na pinamagatang, Preperensya ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng FEU-NRMF School of Respiratory Therapy sa Istratehiya ng Pagtuturo ng mga Propesor, upang magkaroon ng basehan ang mga propesor kung anong istratehiya ang higit na epektibo para sa mga mag-aaral at upang mabigyan pansin ang mga istratehiya sa pagtuturo ang nais ng mga mag-aaral.



GENGEDFIL20140018